lördag 10 december 2011
MURANG KAISIPAN
Kapag akoy nagiisa aking sinasariwa ang aking buhay noong akoy bata pa punong puno ng mga pangarap na para bang kung sakaling aking matutupad ay wala na akong mahihiling pa. Sa aking murang kaisipan ay lagi kong iniisip noon na siguro ang sarap ng maging isang mayaman yong maraming marami kang pera. ako ay lumaki sa isang simpleng buhay lamang , marami kaming magkakapatid at ang aming mga magulang ay punong puno ng pangarap sa aming lahat. Lumaki ako sa isang lugar na tahimik,masaya at walang kaguluhan. Tandang tanda ko pa ang lahat. Isang lugar na sariwa ang hangin,mayaman ang kagubatan,mga ilog na malinis,mapayapang namumuhay ang mga tao sa payak na yaman na nakukuha sa kalikasan.Madalas kong naaalala ang mga pamamasyal namin sa gubat,ang paggawa ng latay para makahuli ng labuyo, ang pamumulot ng pili na doon na rin namin binibiyak sa ilalim ng kagubatan, mga bunga ng ligaw na papaya na pagkatamis tamis.ang sarap sariwain. Naisip kong isulat ang lahat ng aking karanasan para malaya kong mabalikan ang mga ala alang walang katumbas na ano pa man. Ito'y simula pa lamang ng aking paglalahad ng aking tunay na nararamdaman isang paraan upang takasan ang buhay na akala ko noon ay isang tunay na matagumpay.
Prenumerera på:
Kommentarer till inlägget (Atom)
Inga kommentarer:
Skicka en kommentar