söndag 11 december 2011

MADRICACAO

Tirik na ang sikat ng araw ng magising ako isang umaga gaya ng nakasanayan  pagkatapos kumain ay nakipaglaro  ako sa aking mga kapwa bata. Kami ay nagkayayaan na  maligo sa malaking ilog , ang aming lugar ay napapaligiran ng mga ilog, Sa aming paglalakad patungo sa ilog ay aming nadadaanan ang maliit na parang at pagkatapos ay tatawid kami sa may niyugan, makugon ang aming dinadaanan pero hindi namin alintana ang sayad nito sa aming katawan itoy isang pangkaraniwan na lamang,.mahigit kalahating oras bago namin marating ang ilog, nadaanan namin ang bayabasan at kanya kanya kaming akyat at pitas ng  mga hinog na bayabas na syang nagsilbi naming baon.Malapit na kami sa ilog at sa gilid ng ilog ay mayabong at maraming bulaklak ang mga puno ng magricacao, mga kulay rosang bulaklak na syang nagsisilbing pagitan ng mga luntiang halaman. Kay gandang tingnan na lalong lumiliwanag sa aking paningin habang sinisikatan ng araw. Maghapon kaming nagtampisaw sa tubig,patuloy ang languyan at sisiran,naroon ang tumalon kami mula sa bangin  sabay sisid sa malalim at malawak na tubig,Napakalinis at napalalinaw ng tubig,nakasanayan na naming magkaroon ng paligsahan ng pagsisid ng bato sa ilalim ng ilog itatapon namin ang mga bato at paunahan at sabay sabay naming sisisirin at kukunin ang mga ito,wala kaming kapaguran at sa bandang huli ang makakakuha ng marami ay syang panalo at pinuputungan namin ng korona na yari sa mga pinitas naming bulaklak ng magricacao. Mga simpleng laro na kung iisipin ko sa ngayon ay isang bahagi ng buhay na na wala na sa kasalukuyang panahon.Sa patuloy na paglipas ng panahon  ay napapalitan ang payak na kasiyahan ng mga kabataan, napapalitan ng mga makabagong teknolohiya at laruan na hindi na naiihersesyo ang katawan.

Inga kommentarer:

Skicka en kommentar