Ang sabi ng papa ko dapat daw ay mag-aral kaming mabuti dahil ang edukasyon daw ang aming sandata para maging maganda ang buhay.
Ang aming paaralan ay napakalayo sa aming tahanan kailangan ko pang maglakad ng kilo kilometro para lamang makapagaral. dalawang oras sa umaga at 2 oras sa hapon isang sakripisyo na dapat kung gawin para makapag aral. Tanda ko pa noon hirap na hirap ako sa umaga pag gising,nakakatamad isipin tuwing umaga na malayo na naman ang aking lalakarin gayong hindi naman kabigatan ang aking baong bagoong at kanin na binalot sa dahon ng saging. Ito ang aking pang araw araw na buhay,sa bawat araw ng aming paglalakbay ng 2 oras ay akin ng nakasanayan na para bang habang nasa daan kasabay ko ang iba pang bata ay parang naglalaro na lamang.hanggang sa lumaon ay akin ng kinasabikan ang aming mga ginagawa sa daan. Tahaking maraming kugon sa gilid,mga, puno ng bayabas na hitik sa bunga at minsan ay may mga santol pa,pero dapat ding mag ingat dahil maraming baka,mga bakang mababagsik at nanghahabol pa. kaya sabi ng iba huwag kang magsusuot ng pula dahil hahabulin ka. Ito'y isa lamang sa aking mga ala-ala at sa bawat ala ala na sasagi sa aking isip ay aking bubuhayin para makita ang simple, mahirap pero punong puno ng ligaya.
Inga kommentarer:
Skicka en kommentar