söndag 11 december 2011
MADRICACAO
Tirik na ang sikat ng araw ng magising ako isang umaga gaya ng nakasanayan pagkatapos kumain ay nakipaglaro ako sa aking mga kapwa bata. Kami ay nagkayayaan na maligo sa malaking ilog , ang aming lugar ay napapaligiran ng mga ilog, Sa aming paglalakad patungo sa ilog ay aming nadadaanan ang maliit na parang at pagkatapos ay tatawid kami sa may niyugan, makugon ang aming dinadaanan pero hindi namin alintana ang sayad nito sa aming katawan itoy isang pangkaraniwan na lamang,.mahigit kalahating oras bago namin marating ang ilog, nadaanan namin ang bayabasan at kanya kanya kaming akyat at pitas ng mga hinog na bayabas na syang nagsilbi naming baon.Malapit na kami sa ilog at sa gilid ng ilog ay mayabong at maraming bulaklak ang mga puno ng magricacao, mga kulay rosang bulaklak na syang nagsisilbing pagitan ng mga luntiang halaman. Kay gandang tingnan na lalong lumiliwanag sa aking paningin habang sinisikatan ng araw. Maghapon kaming nagtampisaw sa tubig,patuloy ang languyan at sisiran,naroon ang tumalon kami mula sa bangin sabay sisid sa malalim at malawak na tubig,Napakalinis at napalalinaw ng tubig,nakasanayan na naming magkaroon ng paligsahan ng pagsisid ng bato sa ilalim ng ilog itatapon namin ang mga bato at paunahan at sabay sabay naming sisisirin at kukunin ang mga ito,wala kaming kapaguran at sa bandang huli ang makakakuha ng marami ay syang panalo at pinuputungan namin ng korona na yari sa mga pinitas naming bulaklak ng magricacao. Mga simpleng laro na kung iisipin ko sa ngayon ay isang bahagi ng buhay na na wala na sa kasalukuyang panahon.Sa patuloy na paglipas ng panahon ay napapalitan ang payak na kasiyahan ng mga kabataan, napapalitan ng mga makabagong teknolohiya at laruan na hindi na naiihersesyo ang katawan.
lördag 10 december 2011
EDUKASYON
Ang sabi ng papa ko dapat daw ay mag-aral kaming mabuti dahil ang edukasyon daw ang aming sandata para maging maganda ang buhay.
Ang aming paaralan ay napakalayo sa aming tahanan kailangan ko pang maglakad ng kilo kilometro para lamang makapagaral. dalawang oras sa umaga at 2 oras sa hapon isang sakripisyo na dapat kung gawin para makapag aral. Tanda ko pa noon hirap na hirap ako sa umaga pag gising,nakakatamad isipin tuwing umaga na malayo na naman ang aking lalakarin gayong hindi naman kabigatan ang aking baong bagoong at kanin na binalot sa dahon ng saging. Ito ang aking pang araw araw na buhay,sa bawat araw ng aming paglalakbay ng 2 oras ay akin ng nakasanayan na para bang habang nasa daan kasabay ko ang iba pang bata ay parang naglalaro na lamang.hanggang sa lumaon ay akin ng kinasabikan ang aming mga ginagawa sa daan. Tahaking maraming kugon sa gilid,mga, puno ng bayabas na hitik sa bunga at minsan ay may mga santol pa,pero dapat ding mag ingat dahil maraming baka,mga bakang mababagsik at nanghahabol pa. kaya sabi ng iba huwag kang magsusuot ng pula dahil hahabulin ka. Ito'y isa lamang sa aking mga ala-ala at sa bawat ala ala na sasagi sa aking isip ay aking bubuhayin para makita ang simple, mahirap pero punong puno ng ligaya.

MURANG KAISIPAN
Kapag akoy nagiisa aking sinasariwa ang aking buhay noong akoy bata pa punong puno ng mga pangarap na para bang kung sakaling aking matutupad ay wala na akong mahihiling pa. Sa aking murang kaisipan ay lagi kong iniisip noon na siguro ang sarap ng maging isang mayaman yong maraming marami kang pera. ako ay lumaki sa isang simpleng buhay lamang , marami kaming magkakapatid at ang aming mga magulang ay punong puno ng pangarap sa aming lahat. Lumaki ako sa isang lugar na tahimik,masaya at walang kaguluhan. Tandang tanda ko pa ang lahat. Isang lugar na sariwa ang hangin,mayaman ang kagubatan,mga ilog na malinis,mapayapang namumuhay ang mga tao sa payak na yaman na nakukuha sa kalikasan.Madalas kong naaalala ang mga pamamasyal namin sa gubat,ang paggawa ng latay para makahuli ng labuyo, ang pamumulot ng pili na doon na rin namin binibiyak sa ilalim ng kagubatan, mga bunga ng ligaw na papaya na pagkatamis tamis.ang sarap sariwain. Naisip kong isulat ang lahat ng aking karanasan para malaya kong mabalikan ang mga ala alang walang katumbas na ano pa man. Ito'y simula pa lamang ng aking paglalahad ng aking tunay na nararamdaman isang paraan upang takasan ang buhay na akala ko noon ay isang tunay na matagumpay.
Prenumerera på:
Inlägg (Atom)